PGC, NAMAHAGI NG FOOD ASSISTANCE SA MGA RESIDENTE NG BRGY. LIPATAN, STO. NIÑO, CAGAYAN

Pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang halos isang daang household na pawang mga residente ng Barangay Lipatan sa bayan ng Sto. Niño ng food assistance kamakailan. Ang pamamahagi ng food assistance ay bilang bahagi ng aktibidad ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) na Serbisyo Caravan sa inisyatibo ng National continue reading : PGC, NAMAHAGI NG FOOD ASSISTANCE SA MGA RESIDENTE NG BRGY. LIPATAN, STO. NIÑO, CAGAYAN

TINGNAN: Nagpulong ang Cagayan Library Consortium (CLC) kahapon, Setyembre 22, 2023 sa Medical Colleges of Northern Philippines-International School of Asia and the Pacific (MCNP-ISAP), Penablanca.

Pinangunahan ito ni Christian Guzman, OIC-President ng MCNP-ISAP; Michael Pinto, Cagayan Provincial Librarian at head ng Cagayan Provincial Learning and Resource Center; at mga miyembro ng CLC. Pinag-usapan ng organisasyon ang mga nakalatag na agenda sa nasabing pagpupulong na nakatuon pa rin sa pagtataguyod ng edukasyon sa lalawigan.

CAGAYAN PROVINCIAL TOURISM QUIZ BEE, ISINAGAWA BILANG BAHAGI NG TOURISM MONTH CELEBRATION

Tagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa pamamagitan ng Cagayan Provincial Tourism (PTO) Office ang Provincial Tourism Quiz Bee ngayong Sabado, Setyembre 23, 2023 sa Robinsons Place, Tuguegarao City. Ito ay bahagi ng pakikiisa ng PGC sa Tourism Month celebration kada Setyembre. Bahagi rin ito ng pagpapalaganap sa mga inisyatibo ng PGC sa continue reading : CAGAYAN PROVINCIAL TOURISM QUIZ BEE, ISINAGAWA BILANG BAHAGI NG TOURISM MONTH CELEBRATION

PHO, NAGSAGAWA NG IEC PROGRAM KAUGNAY SA RABIES AWARENESS BILANG BAHAGI NG PAGDIRIWANG NG WORLD RABIES DAY

Nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO) sa pamamagitan ng Animal Bite and Treatment Center ng dalawang (2) araw na Information Education and Communication campaign kaugnay sa rabies awareness sa mga bayan ng Ballesteros at Gattaran, Cagayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Rabies Day sa darating na Setyembre 28, 2023. Nagbigay ng mahahalagang kaalaman ang continue reading : PHO, NAGSAGAWA NG IEC PROGRAM KAUGNAY SA RABIES AWARENESS BILANG BAHAGI NG PAGDIRIWANG NG WORLD RABIES DAY

PVET, NAGSAGAWA NG MALAWAKANG ANTI-RABIES VACCINATION SA CAGAYAN

Nagsagawa ang Cagayan Provincial Veterinary Office (PVET) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng malawakang anti-rabies vaccination. Ang pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa ay bilang bahagi sa selebrasyon ng World Rabies Day sa darating na September 28, 2023 na may temang ‘All for 1, One Health for all’ na may layuning isulong ang maayos continue reading : PVET, NAGSAGAWA NG MALAWAKANG ANTI-RABIES VACCINATION SA CAGAYAN

OPLAN TULONG CAGAYAN, NAMAHAGI NG G.I. SHEETS SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA CAGAYAN

Namamahagi ng G.I sheets ang Oplan Tulong Cagayan sa mga bayan-bayan na nasalanta ng nagdaang mga bagyo sa lalawigan ng Cagayan ngayong araw, ika-21 ng Setyembre, 2023. Ang Oplan Tulong Cagayan ay inisyatibo ni Unang Ginang Atty. Mabel Villarica-Mamba para sa mga nasalanta ng kalamidad. Ito ay itinatag noong 2016 nang pinasok ng malalakas na continue reading : OPLAN TULONG CAGAYAN, NAMAHAGI NG G.I. SHEETS SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA CAGAYAN

TINGNAN: Tinanggap ni Gov. Manuel N. Mamba kasama ang Unang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba ang P4 milyong donasyon mula sa Chinese Embassy ngayong Huwebes, Setyembre-21.

Ibinigay ito ng Chinese Embassy kasabay ng pagdiriwang ng 74th Founding Anniversary ng People’s Republic of China na ginanap sa Shangrila Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City. Iniabot mismo nina Ambassador Huang Xilian at Councilor Ji Ling Peng ang naturang donasyon kay Gov. Mamba bilang tulong sa mga Cagayanong nasalanta ng bagyong Goring.

TINGNAN: Bumisita at nakipagpulong ang bagong pinuno ng National Bureau of Investigation Cagayan Valley Regional Office o NBI Region 02 na si Atty. Victor John Paul H. Ronquillo Director III kay Governor Manuel Mamba sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, ngayong Martes, Setyembre 19, 2023.

Kasama rin sa pagpupulong si Jerome T. Hernandez, Agent-in-Charge ng NBI Lal-lo District Office kung saan pinag-usapan ng mga ito ang pagkakatatag ng NBI District Office at kanilang pinasalamatan ang Gobernador sa pagbibigay ng espasyo para sa tanggapan sa Sub-Capitol, Bangag, Lal-lo, Cagayan. Ayon kay Governor Mamba isa ito sa layunin ng pagtatatag ng Government continue reading : TINGNAN: Bumisita at nakipagpulong ang bagong pinuno ng National Bureau of Investigation Cagayan Valley Regional Office o NBI Region 02 na si Atty. Victor John Paul H. Ronquillo Director III kay Governor Manuel Mamba sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, ngayong Martes, Setyembre 19, 2023.