Hinirang na Best Destination Booth ang booth ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pagtatapos ng Noth Philippine Expo sa SM Clark, Pampanga ngayong araw ng Linggo, Oktubre 20, 2024.

Kabilang ang Cagayan sa 71 exhibitors mula sa bahaging Norte na kinabibilangan ng PLGUs, non-government organizations, traders, airlines, at hotels na nakilahok sa exhibition na ito. Ang exhibition na ito ay pinangungunahan ng Department of Tourism (DOT) kaakibat ang Association of Tourism Officers of Central Luzon (ATOCEL) at ang Philippine Exhibitions and Trade Corporation (PETCO).

Dala ng probinsiya ang mga produktong turismo nito, kabilang ang local products at ang pagtatampok ng tourist destinations sa lalawigan.

Mabuhay, Cagayan!