Nakapwesto sa Top 3 sa April 2024 Physician Licensure Exam ang tubong Brgy. Tanza, Tuguegarao City na si Dr. Raian Isabelo Suyu.

Nakakuha ang doktor ng passing rate na 88.83% dahilan para makapwesto ito sa Top 3 sa buong bansa.

Si Dr. Suyu ay nagtapos sa Far Eastern University – Nicanor Reyes Medical Foundation at kabilang sa 1,906 na pumasa sa nasabing pagsusulit.