Nagmula rin ang matalas na inhinyero na si Aaron Dave Tomas na pumwesto bilang Top 1 sa 2023 Metallurgical Engineering Board Exams sa Brgy. Maddalero, Buguey, Cagayan.

Bagamat hindi pamilyar sa karamihan ang kursong tinahak ni Tomas, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ang interes niya sa paggawa at pagproseso ng mga mineral at metal.

Nais kasi ni Tomas na makapagbigay-ambag sa pagpapalago ng industriya ng metal sa Pilipinas.

“I pursued Metallurgical Engineering as I was interested in the processing, production, and properties of various minerals and metals, as well as how I can make use of these to contribute to the advancement of the minerals and metals industry in the Philippines,” pagbabahagi ni Tomas.

Plano ngayon ni Tomas na ipagpatuloy ang nasimulang pangarap sa pamamagitan ng pagtuturo at pananaliksik sa industriya ng metal sa bansa.

Si Aaron Dave Tomas ay kapwa nagtapos din sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Metallurgical Engineering kung saan kasabay niyang kumuha ng board exam ang Top 7 din na si Lloyd Nathanael Reyes ng bayan ng Enrile.

#CagayanoPride