Isang ceremonial turn-over of relief goods ang naganap sa Kapitolyo sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kung saan nauna nang nabigyan ng ayuda ang sampung residente ng Brgy. Centro 11 sa lungsod ng Tuguegarao.

Bukod dito, ay namahagi rin ang Ayala Foundation ng Go Bag at Bandila para sa 50 na guro ng Gadu National High School sa bayan ng Solana, Cagayan.