Dinaluhan ito ni Governor Manuel N. Mamba, Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, maging ang mga Local Chief Executive ng lalawigan, mga Chief of Hospital ng iba’t ibang district hospital sa Cagayan, mga Municipal Health Officer, at ang Department of Health (DOH) Region 2.

Ang nasabing aktibidad ay sa pamamagitan ng Provincial Health Office kung saan ay kumatawan kay Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina si Assistant Provincial Health Officer Dr. Rebecca Battung. Ito rin ay sa koordinasyon ng Cagayan Valley Center for Health ng DOH. Layon nito na maibigay sa lahat ng Cagayano ang magandang kalidad ng serbisyo at health benefits.

Maliban kay Gov. Mamba na nagbigay ng mensahe ay nagbahagi rin si Regional Director Amelita M. Pangilinan ng DOH 02. Pinangunahan rin ng Gobernador at DILG Provincial Director Engr. Elma Urbina ang Pledge of Commitment.