Isinagawa kahapon, Setyembre-12 ang IEC campaign ng PVET sa apat (4) na elementary school sa lungsod ng Tuguegarao na kinabibilangan ng Annafunan Integrated School, Carig Integrated School, Tuguegarao North Central School, at Capatan Integrated School.

Nabigyan ng kaalaman hinggil sa rabies at wastong pag-aalaga ng aso at pusa ang nasa 1,039 na mga estudyante sa tulong naman ng Cagayan State University College of Veterinary Medicine at Tuguegarao City Veterinary Office.

Ang IEC campaign ng PVET ay bilang bahagi sa selebrasyon ng World Rabies Day sa darating na Setyembre 28, 2023.

Matatandaang nakapagsagawa na ng nasabing aktibidad ang PVET sa Ballesteros, Lasam, Baggao, Lal-lo, Gattaran, Peñablanca, Piat, Alcala, at Iguig, Cagayan.