Nakatutok ang Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) sa pagbabantay sa ginaganap na Girl Scout of the Philippines (GSP)-Provincial Camp sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Ayon kay Jamelee Tanguilan ng TFLC-QRT, ito ay para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng nasa mahigit 3,000 campers na nasa camping site.

Aniya, nakastand-by ang kanilang team sa lugar hanggang matapos ang naturang aktibidad upang kaagad na may rumesponde kung kinakailangan.

Ang GSP-Provincial Camp ay nagsimula noong Abril 18, 2024 at matatapos ngayong Linggo, Abril 21.