Tampok ang Cagayan Heritage Pop-up Exhibit ng Cagayan Museum and Historical Research Center sa 20th Annual Hospitality and Tourism Convention sa James Ter Meer Gymnasium, University of St. Louis Tuguegarao ngayong Huwebes, Nobyemre-23.

Ayon kay Kevin Baclig, Cagayan Museum Curator, ang mga naka-display sa pop-up exhibit ay ilan sa mga mahahalagang koleksiyon ng Panlalawigan Museo na bahagi ng ating kasaysayan sa lalawigan. Makikita sa exhibit ang reconstructed Mengal attire, replica ng Stegodon at Elephas fossils, replica metatarsal fossil ng Homo luzonensis, Kammaranan medallion, imahe ng Santo Cristo Expirante, Real De A Ocho Spanish silver coins, isang maliit na Chinese porcelain, at ilang mga art works.

Matatandaan na unang ipinakita ang pop-up exhibit ng panlalawigang museo sa PAGTIPAN Tourism Convergence na ginanap sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City noong Nobyembre 16, 2023. Bahagi ito ng adhikain ng Cagayan Museum na ipakita ang yamang kultural ng lalawigan at maituro ang kahalagahan nito lalo sa mga kabataan.