Muling nanaig ang pagiging back-to-back champion ng Schools Division Office (SDO) Cagayan sa katatapos na 2024 Regional Schools Press Conference (RSPC) na ginanap sa lungsod ng Tuguegarao.

Ito ay matapos silang tanghaling “overall champion” kasabay ng pagtatapos ng RSPC na idinaos nito lamang Mayo 2-4, 2024.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng humigit-kumulang 2,000 campus journalists kasama ang kanilang mga adviser at coach.

Kaugnay rito, nagpaabot naman ng mainit na pagbati ang Department of Education (DepEd) Region 2 sa lahat ng mga estudyante at kanilang mga coaches na kalahok sa naturang aktibidad.

Samantala, ang RSPC ay taunang aktibidad ng DepEd kung saan nilalahukan ito ng mga estudyante na mula sa iba’t ibang SDO sa Rehiyon Dos.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipaintindi ang kahalagahan ng pamamahayag sa mga kalahok sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan o kategorya sa campus journalism.