Sinimulan na ng Animal Bite and Treatment Center (ABTC) ng Provincial Health Office (PHO) ang tatlong araw na pagsasanay kaugnay sa Rabies and Animal Bite Exposure Management ngayong Martes, Marso 12 at matataps sa Marso 14, 2024 sa Hotel Carmelita, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay Shamon C. De Yro-JPTDY, Nurse III at National Rabies Prevention and Control Program Coordinator ng PHO, ang mga kalahok sa training ay mga doctor at nurse sa Rural Health Unit (RHU) ng Allacapan, Amulung, Aparri West, Camalaniugan, Enrile, Peñablanca, Piat, Sanchez Mira, Tuguegarao City, at Sto Niño. Kabilang rin ang Nuestra Señora de Piat District Hospital, Lasam District Hospital, at Aparri Provincial Hospital.

Ang training aniya ay bahagi sa selebrasyon ng 2024 Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso kung saan ang huling araw ng pagsasanay ay may aktwal na pagbabakuna sa mga nakagat ng aso at pusa na isasagawa ng grupo sa ABTC ng PHO sa Capitol Compound, Tuguegarao City.

Layunin umano ng nasabing training na mabigyan ang mga lumahok na RHU at district hospital ng accreditation at lisensiya mula sa Department of Health (DOH) para maging bite center at magkaroon ng anti-rabies vaccine. Layon rin nito na mailapit ang libreng bakuna kontra rabies sa mga nakakagat ng aso at pusa sa lalawigan.

Matatandaang sa pamumuno lamang ni Governor Manuel N. Mamba sa Cagayan ang tanging probinsya sa Region 2 ang nagbibigay ng libreng bakuna para sa mga nakakagat ng aso at pusa sa pamamagitan ng PHO.