Ginawaran ang Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bilang Top Performing Library(Provincial Category) ng National Library of the Philippines ngayong Biyernes, March 22, 2024.

Mismong ang ama ng lalawigan na si Governor Manuel Mamba, kasama ang Unang Ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, at Michael Pinto, Provincial Librarian ang tumanggap ng parangal mula sa NLP.

Kinilala ang CPLRC dahil sa performance nito sa pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng 15 na service programs nito sa higit 771,000 online at face-to-face clients noong nakaraang taon.

Ang pagpapaganda ng CPLRC ay isa sa mga naging malaking proyekto ni Governor Mamba sa kanyang administrasyon at patuloy itong nagsisilbil sa maraming Cagayano. Isa itong educational hub kung saan iba’t ibang serbisyo ang ibinibigay at patuloy na kinikilala.