Upang kilalanin ang tungkulin at kontribusyon ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lipunan, magsasagawa ng mga aktibidad simula ngayong araw, Marso-1, ang Philippine Statistics Authority o PSA Cagayan bilang bahagi ng month-long celebration ng Women’s Month.

Layunin ng mga aktibidad na linangin at palakasin ang kahalagahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng maaasahan at makatotohanang datos na maaaring magamit rin sa pagpaplano at pagbibigay ng mga programa at polisiya sa ikauunlad ng estado ng mga kababaihan.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa ay “Lecture on Mental Health/Health Issues Concerning Women” nakung saan kinatawan mula sa Department of Health o DOH ang magsasagawa ng lecture.

“Isa ang aktibidad na ito na naisip gawin ng PSA dahil ang mga kababaihan bilang isang natatanging karakter mula sa mga lalaki, ay nagdudulot ng iba’t ibang mga hamon sa araw-araw, outwardly at inwardly. Ang mga karamdaman sa pag-iisip ay maaaring makaapekto sa mga babae at lalaki sa magkaibang paraan. Ang ilang mga karamdaman ay mas karaniwan sa mga kababaihan tulad ng depresyon at pagkabalisa kung kaya ang aktibidad ay naglalayong malamanat matugunan ang naturang mga isyu at tumawag ng pansin para sa sama-samang pagkilos na labanan ang mental healthissues,” saad ni Engr. Elena U. Rivera, Chief Statistical Specialist, Cagayan.

Kabilang din sa mga aktibidad ng ahensya ay ang pagsasagawa ng “Infographics Making Contest” na ang mga kalahok ay mga empleyado ng PSA Cagayan. Ayon kay Rivera, ang mga mabubuong infographics ay magsisilbing materyal para saInformation Education and Commnuication (IEC) campaign na ipo-post sa mga social media pages at website na rsso2.psa.gov.ph.

Ang pagdiriwang sa 2022 National Women’s Month ay may temang, “WE Make CHANGE, Work for WOMEN”