Kabilang ang lalawigan ng Cagayan sa mga probinsya sa rehiyon dos na ginawaran ng Good Financial Housekeeping award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) Para sa taong 2022.

Maging ang 20 munisipalidad at lungsod ng Tuguegarao ay ginawaran din ng kaparehong award.

Ang Good Financial Housekeeping (GFH) Award ay ibinibigay kada taon sa bawat lokal na pamahalaan sa bansa na itinuturing na may matino at mahusay na paggamit sa kanilang nakatakdang budget.

Ang bawat LGU na nakatanggap ng nasabing award ay pumasa sa patakaran na itinatalags nh Commission on Audit (COA) pagdating sa fiscal management, transparency at accountability.

Kasama din sa mga tumanggap ang lalawigan ng Isabela, Quirino, Batanes, at Nueva Vizcaya.