Ang CACWA ang longest-running na patimpalak sa sining at pagsusulat para sa Cagayano artists at writers na ngayon ay nasa ikalimang taon na.

Ayon kay Atty. Villarica-Mamba, patuloy ang pagsulong ng PGC sa husay at galing ng mga Cagayano at ang CACWA aniya, ang isang plataporma upang maibahagi ang galing ng Cagayano at maipakilala sila hindi lamang sa lalawigan, kun’di sa buong bansa maging sa buong mundo.

Ayon sa kanya, isa rin itong paraan upang mas maipalaganap pa ang lokal na kultura ng probinsiya sa pamamagitan ng sining at literatura.

Abangan ang mga anunsiyo sa guidelines ng CACWA 2024.