Isinagawa ng Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang limang araw na Standard First Aid (SFA) at Basic Life Support (BLS) training sa Pamplona, Cagayan nitong Pebrero 12 hanggang Pebrero 16, 2024.

Nagtapos sa nasabing pagsasanay ang 27 na mga empleyado ng Rural Health Unit (RHU) Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO), at Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pamplona.

Sinaksihan naman ni Macario Bautista, Municipal Health Officer ang pagtatapos ng mga frontliners ng Pamplona

Layon pa rin ng pagsasanay na mapahusay pa ang kaalaman ng mga frontliners sa anumang sakuna, kailangarin rin umano ito para Seal of Good Governance scorecard at pagtatatag ng DRRMH ng Pamplona.

Samantala ang training ay pinangunahan ni Robert D. Umoso Jr.II, Provincial DRRM-H Manager; katuwang sina Dr. Nicasio Galano Jr., Chief of Hospital ng Tuao District Hospital, Hospital DRRMH Manager; Alain Peter M. Tumanguil, Hospital Assistant DRRM-H Manager; at sina Heribert Umbay at Juliebert S. Bernardino, Technical Staff ng PHO.