Puno ng pagmamahal, kilig, at saya ang hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso kagabi na ginanap sa Capitol grounds, Capitol complex, Tuguegarao City.

Sa mensahe ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, overall Chairperson ng PGC’s Pusong Cagayano Valentines celebration, kanyang binigyang diin na sa lahat ng mga special events ng Provincial Government of Cagayan (PGC) ay binubuksan ito sa lahat ng mga Cagayano.

Aniya, “sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Mamba, ang pamilya po ng PGC ay binubuo hindi lamang ng mga empleyado kundi bukas ang tahanan sa lahat ng mga Cagayano para ipakita natin na nagkakaisa tayo ,nagtutulungan at, nagsasama-sama sa hirap at ginhawa.”

Binigyang diin naman ni Gobernador Manuel Mamba sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pag-ibig sa kabila ng mga problema.

Ayon sa Gobernador, “ang pag-ibig ay sinisimulan natin sa isa’t isa, not only for our loved ones, our family, our children but the love for our province and the love for our country.”

Inihayag pa nito na panahon na para buksan natin ang ating probinsiya sa iba matapos magkaroon ng reporma at pagbabago sa mga proseso, sa mga opisina, at sa pamamahala.

“Its now time to open up to our neighbors not only within but even outside with our neighboring countries because I see a lot of hope by having good relationship to them and that is why I say let us have peace, let us have tranquility and this is all based on love,” ani Gov. Mamba

Bukod sa mga mensaheng puno ng pag- ibig, nagbigay saya naman ang sari- saring mga pakulo kasabay ng mga solo and duet singing contest na humarana sa lahat ng mga dumalo. Lalo pang nagpasigla sa selebrasyon ang iba’t ibang pagkain sa mga exhibitor sa banchetto.

Kasama sa nagpasaya sa gabi ang mga dumalo na kinabibilangan nila Board Member Rodrigo De Asis, Ex Officio BM Rey Jirowell Alameda, Provincial Administrator Atty.Maria Rosario Mamba- Villaflor, PNP Provincial Director Julio Gorospe, mga Department/Division Heads, Chief of Hospitals, Consultants, mga empleyado at pamilya ng mga ito, at ang sambayanang Cagayano ang nakiisa ngayong gabi.

Narito naman ang mga nagwagi sa singing contest:

Solo Singing Contest:

Grand prize na P5, 000 – Jose Rafael Dacanay

2nd prize na P2,500 – Benjie Cabunag

3rd prize na P1,500 – Benjamin T. Macarubbo

P500 consolation prize

Duet Singing Contest:

Grand prize na P10,000 – Sheena Madrid & John Ivan Dominguez

2nd prize na P5,000 – Christina Vergeldedios & Steve Matallud

3rd prize na P3,000- Fevie Abigail Suyu & Gaylord Arce

P1,000 consolation prize