Nabigyan ng tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang 110 mangingisda mula sa Camalaniugan, Cagayan kahapon, Abril 15, 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang pamamahagi ng naturang pinansiyal kung saan nakatanggap ng tig-P1,000 ang bawat fisherfolks na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at baha sa probinsiya.

Ang pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda sa lalawigan ay inisyatibo ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba na may layuning tulungan ang mga lubhang naapektuhan nang mga nagdaang kalamidad.

Samantala, katuwang ng OPA sa ginanap na distribusyon ang Provincial Treasury Office (PTO) at Municipal Agriculture Office (MAO) ng Camalaniugan.