Nagsasagawa ng pamamahagi ng tulong pinansiyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa 278 na mangingisda ng Isla ng Fuga, Aparri, Cagayan nitong Abril 15 hanggang Abril 18, 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang pamamahagi ng tulong kung saan nakatanggap ng tig-P1,000 ang mga mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Cagayan.
Ang patuloy na pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng tulong pinansiyal sa iba’t ibang sektor na apektado ng mga nagdaang kalamidad ay inisiyatiba ni Governor Manuel Mamba upang matulungan silang makabangon muli sa kanilang mga hanap-buhay.
Nakatanggap na rin ng kaparehong tulong ang mga mangingisda sa bayan ng Iguig, PeƱablanca, at Tuguegarao City mula sa PGC.