Kinilala ng SM City Tuguegarao ang Provincial Government of Cagayan (PGC) at Provincial Veterinary Office (PVET) sa libreng serbisyong hatid sa mga alagang aso at pusa sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ito ay matapos ang isinagawa ng SM City na Pet Vaccination and Check Up kahapon, Marso 7, 2024 sa mga alagang aso at pusa kung nakaiisa ang PGC at PVET.

Ayon kay Dr. Myka Ponce, Veterinarian II ng PVET, ang naturang aktibidad ng SM City ay kasabay sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso,

Tinanggap nina Dr. Ponce at Dr. Wilfredo S. Iquin Jr. ang Certificate of Recognition matapos ang aktibidad.

Magkakaroon muli umano ng kaparehong aktibidad sa darating na Marso 22, 2024.

Matatandaang isinasagawa ang taunang libreng anti rabies vaccination drive ng PVET at Animal Bite Treatment Center ng PGC sa iba’t ibang bayan sa lalawigan. Ang Tuguegarao City ay isa sa may pinakamataas na bilang ng mga nakakagat ng aso at pusa.

Ang hakbang na ito ay para sa adhikain ni Governor Manuel Mamba na tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugan ng bawat Cagayano.

Samantala, nakasama ng PVET sa aktibidad ng SM City Tuguegarao ang mga veterinarian ng Local Government Unit (LGU) ng Tuguegarao City.