Ang ilan sa mga atleta ay nagsasanay sa Cagayan Farm School sa Anquiray, Amulung habang ang iba naman ay nasa Cagayan Sports Complex para sa kanilang in-house training.

Ang pagsasanay ng mga atleta sa loob ng halos isang buwan ay bahagi ng hangarin ng Cagayan delegation na mapanatili ang kampeonato na kanilang hawak sa loob ng tatlong taon bago ang pandemya.