Nanguna ang Provincial Administrator ng lalawigan sa Certification Course for LGU Administrators na pinangunahan ng Center for Global Best Practices (CGBP) na ginanap noong November 18 hanggang December 03, 2022.

Si Atty. Mamba-Villaflor ay nakakuha ng 98/100 score sa kanilang seven-day session training program dahilan na kinilala siyang “topnotcher” sa nasabing pagsasanay.

Ilan sa mga nilalaman ng naturang training ay may kaugnayan sa LGU Code of the Philippines, Role and Responsibilities of the LGU Administrators, Procurement Law for LGU Administrators, at iba pa.

Ang training program na ito ay dinaluhan ng iba’t ibang Provincial Administrators at Local Chief Executives sa bansa sa pangunguna ng CGBP na accredited training provider ng DILG-Local Government Academy, Civil Service Commission (CSC), Supreme Court, at iba pang regulatory bodies.