Nagsagawa ng pagpupulong ang Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kaugnay sa paghahanda sa isasagawang “LAB FOR ALL: Cagayan Caravan” ngayong Huwebes, Pebrero 15, 2024 sa Conference Hall, Capitol Compound, Tuguegarao City.

Ang “LAB FOR ALL” caravan ay inisiyatibo ni First Lady Marie Louise Araneta-Marcos na isinasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa na may layuning makapagbigay ng libreng serbisyong medical sa mamamayan.

Sa naturang pagpupulong, inilitag ang mga hakbang na gagawin upang maayos na maserbisyohan ang inaasahang 1,500 na makilalahok na mga pasyente sa “LAB FOR ALL: Cagayan Caravan na gaganapin sa darating na Pebrero 27, 2024 sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City.

Ayon kay Dr. Rebecca Battung, Acting Provincial Health Officer ng PHO, aasahan ang pitong health services tulad ng surgery, ENT, OB, IM, pedia, family medicine, at dental sa isasagawang caravan.

Dagdag pa ni Dr. Battung, ang mga inaasahang dadalo umano sa aktibidad ay magkakaroon muna ng pre-screening sa kanilang mga health center.

Dumalo naman sa pagpupulong sina Dr. Mar Wynn D. Bello, Assistant Regional Director ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) Region 2; Dr. Brian Galapia, Non-Communicable Disease Cluster Head ng CVCHD; Christine Joan Balangue, Regional Disaster Risk Reduction and Management Manager; Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief II ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC); Cherry Lou Antonio, Chief Medical Professional Staff II ng CVMC; Dr. Grace Delim ng Provincial Department of Health Office (PDOHO)-Cagayan; Municipal Health Officers ng Tuguegarao City, Baggao, Gattaran, Alcala, Amulung, Enrile, Iguig, Solana, at PeƱablanca; mga kinatawan ng 12 district hospital ng Cagayan; at iba pang kawani ng CVCHD, CVMC, at PHO.