Muli na naman nating matutunghayan ang pinakamasaya at pinakamakulay na selebrasyon at pagtitipon-tipon ng ating mga LGBTQIA+ members bukas, Hunyo 05.

Ihanda na ang iyong makukulay na kasuutan at makilahok sa gaganaping ‘Pride Parade’ sa SM City Tuguegarao. Huwag ding kalimutang dalhin ang inyong mga furbaby dahil baka sila na ang gagawaran ng ‘Best Dress Pet Category’.

Ito ay inorganisa ng Tuguegarao United for Gender and Universal Equality (TUGUE) at JCI Tuguegarao Ybanag katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pride Month at ng ika-441 Aggao Nac Cagayan.

KITAKITS, MGA BEKS! 🌈🌈🌈