Ang aming pagbati sa mga nanalo sa 5th Cagayan Art and Creative Writing Awards (CACWA) 2023 Short Story Writing Competition nitong nakalipas na selebrasyon ng 440th Aggao Nac Cagayan!

Ang short story writing competition ngayong taon ay may limang katergorya: Junior High School, Senior High School, College, Adults, at Senior Citizens. Ang Senior Citizens category ay ang pinakabagong category.

Ang tema ng patimpalak ngayong taon ay “Tagumpay ay matatamasa kung lahat ay sama-sama.”

Nag-uwi ang 1st Placers sa lahat ng katergorya ng tig-P10,000. Ang lahat ng 2nd Placers ay nag-uwi ng tig-P7,000; at ang 3rd Placers ay may tig-P5,000 na premyo. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan din ng plake.

Ang mga naging hurado ng short story writing competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng Philippine literature. Ito ay kinabibilangan nina Prof. Eugene Evasco, Mary Ann Ordinario, Noel Galon de Leon, Heather Ann Pulido, at Kim Derla.