Sinuyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang una at ikalawang distrito ng lalawigan upang muling ipamahagi ang programang No Barangay Left Behind Program o NBLB.

Kabilang sa mga bayan na tumanggap ang Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri West, Lasam, at Gattaran.

Nagsimula ang arangkada ng nasabing programa nitong araw ng Huwebes, Pebrero-22 hanggang Pebrero-24.

Tinanggap ng mga barangay foot soldier partikular ang mga barangay tanod sa nasabing mga distrito ang kanilang mga honoraria na umabot sa P4,419,000.

Ang distribusyon ay pinangunahan ni Board Member Atty. Romeo Garcia kasama ang Provincial Treasury, Provincial Office for People Empowerment (POPE) katuwang ang mga lokal na opisyales mula sa mga nabanggit na bayan.

Aasahan namang magpapatuloy ang distribusyon sa mga nalalabing bayan sa lalawigan sa mga susunod na araw.