Nakatanggap ng tig-P1,000 tulong pinansiyal ang mga magsasakang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad mula sa bayan ng Gattaran at Rizal, Cagayan kahapon Nobyembre-07.

Pinangunahan ni Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist, ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa 1,797 na mga magsasaka.

Sa datos ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) 932 na magsasaka mula sa Gattaran ang nabenepisyohan habang 865 na magsasaka naman sa Rizal.

Magpapatuloy ang OPA sa kanilang distribusyon sa mga darating na araw upang mabigyan ng tulong ang iba pang biktima ng mga nagdaang kalamilad sa lalawigan.