Nagmula ang mga ito sa Pacac Grande National High School at Cordova National High School sa bayan ng Amulung at sa Baggao National High School at sa Felipe Tuzon Agricultural School.

Ipinakita sa mga mag-aaral ang naging pagbabago at pag-unlad ng CPIO-TELERADYO mula nang una itong sumahimpapawid sa pamamagitan ng facebook live streaming. Nasaksihan din nila ang iba’t ibang mga makabagong pasilidad at kagamitan ng CPIO-TELERADYO.

Inaasahang may dalawang batch pa ng mga mag-aaral ang nakatakda ring magsagawa ng studio tour.