Ang unang grupo ay ang grupo ng Confucius Institute of the University of the Philippines Diliman na pinangunahan ni CIUPD Director Dr. Lourdes Nepumuceno kasama sina Wang Xiao Jiao, Xie Lili, Huang Yujie, Zhong Yuhai, Zhang Zeyao Song Wei Wei, at Jerozalyn Carsocho.

Bumisita din si His Excellency Ambassador Wallace Minn-Gan Chow, Representative of the Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO). Kasama ng Ambassador ang kanyang maybahay na si Madame Tai Yu Shan Chow, kabilang sina Irene Yao Ling Wang, TECO Secretary; Yuan-Ching Peng, at Manila Economic and Cultural Office (MECO) Vice Chairman Renato L. Ebarle, at Lucy Yap.

Nakita ng mga bisita ang natural na ganda sa paligid ng kweba, at namangha sa kweba ng Callao na isa sa mga ”Important Cultural Property” ng bansa dahil sa pagkakahukay ng fossils ng Homo luzonensis.