Ang mga mag-aaral ay kasalukuyang namamalagi sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Brgy. Anquiray, Amulung, Cagayan para sa kanilang immersion activities.

Ipinaliwanag naman sa mga ito ang kahalagahan ng maayos at makatotohanang pagbibigay ng mga makabuluhan at napapanahong mga impormasyon na dapat malaman ng bawat Cagayano.

Bukod dito, iprinisinta din sa kanila ang iba’t ibang mga magagandang pasilidad at makabagong kagamitan ng CPIO sa pagsasahimpapawid sa pamamagitan ng CPIO-TeleRadyo Facebook Live.

Ang pagkakaroon ng studio tour at mga bench marking activity ay sinusupotahan at isinusulong ni Gov. Manuel Mamba sa layuning makilala ang iba’t ibang tanggapan ng Provincial Government of Cagayan (PGC) na itinuturing bilang center of tourism sa lalawigan.