Ibinahagi ni Gob. Mamba ang mga napapanahong istratehiya ng lalawigan para sa mga kalamidad katulad ng ginagawang resettlement area sa bayan ng Tuao na nais niyang tuluran ng lahat ng bayan na magkaroon ng relocation site. Iprinisinta rin ng mga opsiyal kay Gov. Mamba ang kanilang hiling ng pagkakaroon ng warehouse sa bahagi ng una at segunda distrito para sa pre-positioning ng mga foodpack sa tuwing may sakuna. Agad naman tinugunan ito Gobernador at inialok ang warehouse sa Sub-capitol, Bangag, sa bayan ng Lal-lo at ang bakanteng lupa ng probinsiya sa San Mariano.

Nakasama sa pagpupulong sina DSWD Regional Director Lucy Allan at mga kawani ng PSWDO na sina Bonifacio Cuarteros at Rose Mandac.