Mga Cagayanong manunulat nagka-isa sa isinagawang Cagayan Authors and Writers Summit sa pangunguna ng Cagayan Provincial Learning And Research Center (CPLRC) sa Robinson’s Place Tuguegarao, ngayong araw, Hunyo-27.

Mismong si Atty. Mabel Villarica-Mamba ,Chairperson ng Aggao Nac Cagayan celebration at CPLRC head, Michael Pinto ang nanguna sa programa kasama sina Junas Dupo, isang International Book Writing coach na siyang nagbigay ng tips at inspirasyon sa patuloy na pagsusulat; Atty. Domingo ‘Egon’ Cayosa, nagbahagi naman ng kaalaman patungkol sa Copyright’s law at Intellectual Property law, habang si Ms. Jennifer Dimasaca ng National Library of the Philippines ay siyang nabigay din ng kaalaman kung paano ang proseso at aplikasyon upang maging isang ISBN o ISSN Certified.

Nilahukan naman ito ng nasa 67 na partisipante na pawang mga manunulat na may iba’t-ibang propesyon katulad ng guro at mga estudyante. Kasabay rin nito ang paggawad ng pagkilala sa mga nanalo sa Short Story Writing Contest for Children ng CPLRC na ginanap noong Marso sa unang anibersaryo ng ‘I Love Cagayan River Movement’ ng PGC. Kasunod rin nito ang pagtatalaga sa mga opisyal ng Cagayan Authors Association.

Ibinida rin ng mga authors and writers ang kanilang mga akda katulad ng “The Hair Strands” ni Lermalyn Marcos; “To my 25-year-old self” ni John Kit Masigan; “Heart Works” ni Maribel Chan Apidos; “Making Peace with the Past” ni Melanie Reboldera; “It’s time to choose me” ni Jonas Dupo at marami pang iba.