Nakiisa ang iba’t ibang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) sa probinsya ng Cagayan sa isinagawang third quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, September 07, 2023.

Isinagawa sa naturang aktibidad ang “Duck, Cover and Hold” technique upang maging handa ang mga empleyado kung makaranas ng pagyanig.

Layon ng NSED na paigtingin ang kahandaan ng mga rescuers maging ang publiko sa pagharap sa mga sakuna tulad ng lindol.

Pinalalakas din ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa naturang aktibidad ang mekanismo ng pagtutulungan para sa pagbibigay ng solusyon sa anumang kalamidad na posibleng maranasan sa probinsya.

Nabatid na taunang isinasagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang naturang aktibidad para madaragdagan ang kaalaman ng bawat isa sa panahon ng kalamidad.