inigyang-diin ni Governor Manuel N. Mamba ang kahalagahan ng maayos na kolaborasyon at pagtutulungan upang maisulong ang mga adhikaing tututok sa kapakanan ng bawat kabataan sa bansa.

Ito ang sentro ng mensahe ng Gobernador kasunod ng pagdalo nito sa isinagawang “NakakaLOCAL Monitoring of Local Youth Development Office and Sangguniang Kabataan Training on Philippine Youth Development Plan-Local Youth Development Plan Alignment” ngayong Martes, Hunyo 4, 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng National Youth Commission (NYC) kung saan dinaluhan naman ito ng iba’t ibang mga kabataang kalahok mula sa lahat ng probinsya sa Rehiyon Dos.

Kaugnay rito, hinikayt naman ni Gov. Mamba ang mga kabataang lider na lumahok sa naturang aktibidad na mas patatagin pa ang pagkakaroon ng matibay na samahan upang sila ang magsilbing boses ng kabataan sa kani-kanilang mga lugar lalo na sa pagpapaabot ng mga hinaing na dapat matugunan.

Saad nito na sa pamamgitan ng maayos at matibay na samahan ay makapagbabahagi pa sila ng best practices na dapat ipatupad para sa ikauunlad at ikagaganda ng mga programang sisiguro sa kapakanan ng bawat isa.

Punto ni Gov. Mamba, sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ay mas matutukan ang ‘People Empowerment’ upang maging organisado at mapalakas ng mga kabataan para sa hinahangad na pagbabago.

“I want change. I am not satisfied with the status quo. I love this country so much. The only way to empower people and to capacitate people is to organize people,” ani Gov. Mamba.