Nanguna naman si Jenifer Junio-Baquiran, OIC-Cagayan Tourism Office sa pagtanggap sa mga bisita, kasama ang ilang mga department head ng PGC. Isang performance naman ang itinanghal ng Center for Culture and the Arts ng University of St. Louis Tuguegarao (sa pangunguna ni Alan Samonte) sa indak ng “Endless Fun, Cagayan” sa harap ng Main Building para sa mga ito.

Ibinahagi ni Junio-Baquiran na ang turismo ang isa sa mga prayoridad ng ama ng lalawigan na si Governor Manuel Mamba simula nang siya ay umupo noong 2016. Dahil sa good governance aniya, umusad ang turismo sa lalawigan, at sa adhikain ng Gobernador na mabuksan ang lalawigan sa international trade sa mga malalaking bansa tuald ng China ay naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng planong pagbubukas muli ng Aparri port, pagtatayo ng international airport at railway system.

Ngayong araw, ipararanas ng Cagayan Tourism Office ang Tuguegarao City-Callao Cave Ecotourism Zone Adventure and Heritage Tourism sa mga bisita kung saan ipapasyal sila sa Callao Caves sa bayan ng Penablañca, sa Rizal Park, at Cagayan Museum and Historical Research Center sa lungsod ng Tuguegarao.

Nakatakda namang umikot at pumasyal ang mga travel agent at vlogger sa tourism sites ng Cagayan hanggang March 16, 2024.