Nasa mahigit P84 milyon ang kabuuang halaga ng mga programa at proyekto na ibinaba ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ni Governor Manuel Mamba, kasabay ng “Oplan Tulong sa Barangay” distribution sa bayan ng Pamplona sa Pamplona Gymnasium, ngayong araw, April-20.

Sa nasabing halaga, P71,490,235.78 dito ay nailagay sa proyektong imprastraktura katulad ng pagpapasemento at pagsasaayos sa mga daan sa nasabing bayan.

Ilan lamang sa mga ito ang 2,292.73 na metro na Cto. Capalian-Mataguisi road na mayroon ding retaining wall at reinforced concrete pipe culvert na pinondohan ng P31,549,458.15; ang 2,115 metro na Tabba-Abbangkeruan road na may retaining wall na nagkakahalaga naman ng P34,955,534.08 at slope protection ng Cabbagan-Nagtupacan road na nagkakahalaga naman ng P4,985,243.51 milyon.

Samantala, tinanggap na rin ng 18 barangay ng bayan tulong pinansiyal mula sa “No Barangay Left Behind” o NBLB Program ni Gov. Mamba kung saan nasa P12,896,756 milyon ang ipinamahagi sa barangay officials, nutrition scholars, health workers, day care workers, tanod, at sa Sangguninag Kabataan.

Nakatanggap rin ang 630 na kabataan ng tig-apat na manok mula sa “Magsakabataan” program ng Office of the Provincial Agriculture.

Bukod pa sa mahigit P84 milyon na naibaba ngayong araw sa Pamplona, pinamahagi na rin ng PGC ang isang unit ng PNP Patrol Car, RHU Patient Transport Vehicle at Ultra low freezer.

Sa kanyang mensahe, muli naman pinaaalahan ng ama ng lalawigan ang mga mamamayan ng Pamplona na huwag iboto ang mga kandidatong bumibili ng boto at bumoto nang naaayon sa konsensiya.

Ayon sa ama ng lalawigan, naniniwala siyang ang mga kandidatong bumibili ng boto ay siya ring magnanakaw sa pondo na para sa mamamayan kung sila ang maupo sa pwesto.

“Huwag iboto ang mga kandidatong bumibili ng boto. Ipakitak kanyayu iti nasayaat nga gobyerno, siyam nga twen ti dinawat ko kanyayu, ket tallu nga tawen langenen ti idawdawat ko, ta lukatan tayu daytuy port tayu,” ani Gob. Mamba.

Nakasama naman ni Gob. Mamba sina 2nd District Board Member Al Llopis, Piat Mayor Carmelo “Black” Villaciete, SB Member Felix Zimara, mga department head ng Kapitolyo na sina Dr. Noli Buen, Dr. Carlos Cortina, Helen Donato, Mila Mallonga at Pearlita Mabasa.