Nakatanggap ng tig-P1,000 tulong pinansiyal ang 622 na Iivestock farmer ng Cagayan sa isinagawang distribusyon ng Provincial Veterinary Office (PVET) at Provincial Treasury Office (PTO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Isinagawa ang nasabing pamamahagi ng tulong kahapon, Nobyembre-9 at ngayong araw, Nobyembre-10.

Ayon sa PVET, ang mga nabigyan ng tulong ay ang mga magsasakang namatayan ng kanilang mga alagang hayop dulot ng nagdaang bagyong Egay.

Partikular na nabigyan ng tulong pinansiyal ang mga magsasaka mula sa mga bayan ng Abulug, Aparri West, Allacapan, Lasam, Amulung, Alcala, at Baggao, Cagayan.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng cash assistance ng PVET at PTO sa darating na linggo sa bayan ng Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresita, Aparri East, Camalaniugan, Lal-lo, Gattaran, Solana, Sto. Nino, Tuao, Piat, Iguig, at PeƱablanca.