Ipinamahagi na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang educational assistance sa ilalim ng No Barangay Left Behind (NBLB) program ng mahigit 2,000 Agkaykaysa Scholars ngayong Sabado, Abril 20, 2024.

Sa isinagawang seremonya sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City, mismong si Gov. Manuel Mamba ang nanguna sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga estudyanteng mula sa bayan ng Baggao, Alcala, Iguig, Enrile, PeƱablanca, at Tuguegarao City. Bawat isang iskolar ay nakatanggap ng P3,500 para sa unang semestre ng S.Y 2023-2024.

Sa mensahe ni Gov. Mamba, muli itong nakiusap sa mga estudyante na huwag ibenta ang kanilang boto at turuan ang kanilang mga magulang sa pagpili ng mabuti at responsableng lider.

“You want good governance? You want competent leaders? You want honest leaders? You should learn to choose,” pahayag ni Gov. Mamba.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga Agkaykaysa Scholar sa natanggap nilang tulong mula kay Gob. Mamba.

Ayon kay Adrian Ambloc, 4th year college, mula sa bayan ng Iguig na kumukuha ng kursong Public Administration sa Cagayan State University (CSU), maswerte umano siyang mapabilang sa mga Agkaykaysa Scholar ni Gov. Mamba dahil hindi aniya sapat ang kinikita ng kanyang inang Overseas Filipino Worker (OFW) para suportahan ang pangangailangan ng kailang pamilya at ng kanyang pag-aral.

“Studying in college, financial support is my family’s biggest struggle, since I have only my mom to support the whole family. Her salary abroad is not enough for our daily needs and to fully support my studies. That’s why I am honored and lucky to be chosen as one of the beneficiaries of Agkaykaysa Scholarship. It really helps me and my family to lessen our burden financially,” ani ni Ambloc.

Samantala, dumating din sa nasabing aktibidad si Ret. General Edgar “Manong Egay” Aglipay kung saan pinuri nito ang pamumuno ni Gov. Mamba dahil sa suporta nito sa sektor ng edukasyon. Hinikayat din nito ang lahat ng estudyante na huwag dapat huminto sa kung anuman ang nasimulan.

Kasama rin sa distribusyon sina 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que, dating 3rd District Congressman Randy Ting, ilang department heads, consultants, at mga kawani ng Kapitolyo ng Cagayan.