Tumanggap ng tulong pinansiyal ang 253 livestock raiser ng Aparri, Cagayan mula sa Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVET) at Provincial Treasury Office (PTO) kahapon, Marso 22, 2024 na ginanap sa Aparri Municipal Agriculture Office.

Ayon kay Dr. Myka Ponce ng PVET, ang mga magsasaka sa Aparri na namatayan ng alagang hayop noong Bagyong Goring ay mula sa Barangay Zinarag, Bukig, Paruddun Sur, Caagaman, Dodan, Toran, Bulala Sur, at Gaddang na nakatanggap ng tulong pinansiyal. Bawat livestock raiser ay tumanggap ng tig-P1,000 financial assistance.

Samantala, kasama rin sa nabigyan ng tulong ang labing isang (11) livestock raisers sa bayan ng Alacala, Cagaya kung saan ginanap ang distribusyon sa Alcala Municipal Agriculture Office (MAO).