Umabot sa 1,459 Purok Agkaykaysa Scholars ang muling tumanggap ng kanilang Educational Assistance mula sa Provincial Governnment of Cagayan (PGC).

Isinagawa ang distribusyon sa Sanchez Mira Municipal Gymnasium ngayong Miyerkules, Abril 10, 2024.

Ang mga Purok Scholar ay nakatanggap ng tig-3,500 bawat isa para sa unang semestre ng S.Y 2023-2024.

Ang mga estudyanteng nakatanggap ng tulong ay mula sa mga bayan ng Claveria na mayroong 556 recipients, Abulug na mayroong 245, Sanchez Mira 241, Pamplona 227, Sta. Praxedes 122, at Calayan na mayroong 68 recipients.

Pinangunahan naman ni Francisco “Franco” Mamba III ang naturang distribusyon bilang kinatawan ni Cagayan Governor Manuel Mamba, kasama si Provincial Treasurer Mila Mallonga, gayun din ang mga Consultant ng PGC na sina Oliver Peneyra at Vicente Binasoy, at mga kawani ng Provincial Office for People Empowerment (POPE).

Samantala, ang Purok Agkaykaysa Scholarship program ay isang programa ni Gov. Mamba na may layuning tulungan ang mga deserving student sa lalawigan ng Cagayan.