Nagpaabot ng pasasalamat kay Gob. Manuel Mamba si Engr. Rogen Dulin Guzman ng barangay Dungao, Sto Niño kaugnay sa mga proyektong ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ang mga proyekto ito ay ang “Multi-Million River Control and Anti-Erosion Rip-rapping Project” sa Purok 1 barangay Dungao at ang covered court project sa Dungao Elementary School sa nasabing bayan.

Sa liham ni Engr. Guzman na ipinaabot kay Governor Mamba, sinabi nito na malaking tulong ang proyekto lalo na sa mga residente sa kanilang barangay dahil maiibsan na ang madalas na problema ng pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing may bagyo.

Ipinagmalaki rin ni Engr. Guzman na kanilang sinoportahan ang ama ng lalawigan sa kanilang barangay nitong nakalipas na halalan.

Tiniyak rin niya na ang mga proyektong ipinatupad ng Gobernador sa kanilang bayan ay gagamitin sa tama at kanilang pangangalagaan.

Pagtatapos ni Guzman sa kanyang liham ang hiling na mapagtatagumpayan ng Gobernador at kanyang mga kapatid na si Mayor William at Vice Mayor Kiko Mamba ang paghahatid ng mabuting paggogobyerno o “good governance” bilang isang public servant at “true blooded Itawes”.