Matagumpay na naisagawa ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cagayan chapter katuwang ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang kauna-unahang “FEB-ibig concert and Raffle Draw with My lav Enforcer” na ginanap sa SM City sa lungsod ng Tuguegarao ngayong Biyernes Pebrero 16, 2024.

Ayon kay Jaypee Pagulayan, presidente ng KKDAT-Cagayan Chapter, ang aktibidad ay bilang pagbibigay pugay sa mga law enforcer sa kanilang dedikasyon na magsilbi sa bayan.

Aniya, nais nilang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso na kasama ang mga kapulisan at pasayahin ang publiko sa pamamagitan ng kanilang mga inihandang awitin at mga papremyo sa kanilang raffle draw.

Samantala, inihayag naman ni Pcol. Julio Gorospe, Provincial Director ng Cagayan PNP ang kanyang suporta sa lahat ng mga aktibidad na ginagawa at gagawin pa ng grupo.

Sinabi ni PCol Gorospe na ang mga kabataan ay ang target ng mga drug pusher maging ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na hikayatin na umanib sa kanila, kung kaya’t malaking tulong ang mga kahalintulad na aktibidad para makita ng mga kabataan ang suporta sakanila.

Pinasalamatan din nito ang Presidente ng KKDAT Cagayan Chapter na sa kabila ng limited na pagkukuhanan ng pondo ay nagagawa at napagtatagumpayan pa rin ang mga nais na gawin sa kanilang grupo.

Hinikayat rin ni Pcol. Gorospe ang lahat ng kabataan na makiisa at suportahan ang mga aktibidad pang gagawin ng KKDAT at huwag tahakin ang maling landas.

Ang Feb-ibig concert ay sinaksihan din ni Donne Angelo OƱate bilang kinatawan ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que. ###