Pinangunahan naman ni Camalanuigan Mayor Isidro Cabaddu at Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Regional Director Elpidio A. Durwin, kasama si DILG Provincial Director Maria Loida M. Urmatam, MLGOO Bernadette Ferry, at Engr. Jennibeth I. Bangayan ang pagpapasinaya sa nasabing proyekto.

Ang Boulevard and Park project ay isang panibagong tourist attraction sa bayan kung saan mayroon itong jogging paths, playground, at nalagyan na rin ng 30 solar street lights at palikuran at matatanaw rin dito ang Ilog Cagayan.

Nagkakahalaga naman ang proyekto ng P5, 000,000 milyon mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) 2022.