Isang mensahe ng pasasalamat ang personal na inabot ng isang ina mula sa Tanglagan, Gattaran, Cagayan dahil sa tulong ni Gob. Manuel Mamba sa kanyang anak na kabilang sa Agkaykaysa Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ayon sa mensahe ng ina ni Mark David Ligot, malaking tulong ang scholarship program ni Gob. Mamba upang makamit ng kanyang anak ang kanyang pangarap.

“A blessed day Gov., I’m a mother of one of your recipients in Agkaykaysa scholar po of Tanglagan, mother of Mark David T. Ligot, in behalf of my family we would like to express our heartfelt thanks po sa inyo sa program po ninyo, malaking tulong po ito sa anak ko upang makamit po niya ang kanya ng pangarap.” mensahe ni Ginang Ligot.

Sa tulong ng scholarship program, magtatapos na si Mark David sa kursong Bachelor of Science in Agriculture Major in Crop Science sa Cagayan State University Lal-lo Campus.

Pagtatapos ni Ginang Ligot, nawa’y marami pang maabot ang Purok Agkaykaysa Scholarship Program ng Kapitolyo ng Cagayan na mga kabataan sa lalawigan.