Mula sa 82 kabuuang bilang ng mga probinsiya sa bansa, ang Cagayan ay isa sa limang (5) bukod tanging lalawigan na binigyan ng nasabing parangal.

Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mahusay nitong krusada at epektibo nitong kampanya kontra illegal drugs.

Samantala, limang (5) munisipyo naman sa Cagayan ang binigyan din ng kahalintulad na parangal sa kanilang antas at ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Camalaniugan, Lal-lo, Lasam, Pamplona and Santa Ana.

Ang pagkilala at parangal ay pinangunahan ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr sa isinagawang 2022 National Anti-Drug Abuse Council Performance Awards na isinagawa nitong December 13, 2022 sa Manila Hotel, Manila City.