Ito ay dinaluhan ng mga Club Numero Uno recipients ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. Ang naturang Youth Summit ay inorganisa mismo ng unang ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba upang mapalakas pa ang leadership skills at capabilities ng mga kabataang Cagayano.

Ang naturang summit ay magtatagal hanggang bukas at ang mga kinatawan mula sa National Youth Commission (NYC) ang magsilbing resource speakers sa naturang aktibidad.