Mainit na tinanggap at buong suporta ang unang ginang ng lalawigan na si Atty. Mabel Mamba bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba sa grupo ng Tuguegarao Chess Team for PSC National Youth Games: Batang Pinoy 2022 kasama ang kanilang coach na si Jeh Morada na nagtungo sa tanggapan ng Gobernador para mag-courtesy visit at para hingin din ang kanilang suporta sa nalalapit nilang torneo na gaganapin sa Disyembre 17-21, kung saan kanilang ire-represent ang lungsod ng Tugeugarao at lalawigan ng Cagayan sa Vigan, Ilocos Sur.

Kasama rin sa kanilang pag-courtesy visit ang pagpapasalamat nila kay Gob.Mamba sa pag-approved at pagsuporta ng ama ng lalawigan sa kauna-unahang “Gov. Manuel Mamba Batang Cagayano Chess Festival: Chess Clinic and Tournament U14” sa Disyembre 28-29, 2022 sa SM City Tuguegarao.