“The pursuit of knowledge and the application of cutting-edge technologies can also pave the way for transparent governance and sustainable development. Innovation is not just about technological breakthroughs; it is a powerful tool for building developed, peaceful, inclusive, and corruption-free nation”.

Ito ang mensahe ng Gobernador sa mga dumalo sa opisyal na pagbubukas ng 2023 Regional Science Technology and Innovation Week (RSTIW) ng Department of Science and Technology (DOST) R02 sa Robinsons Mall, Tuguegarao City, ngayong Martes, Nobyembre 14, 2023.

Ayon sa ama ng lalawigan ang kahalintulad na aktibidad ay isang mahalagang ganap para sa mga kabataan upang ipakita ang kanilang talento, ideya, at potensyal sa larangan ng siyensa at teknolohiya na makatutulong sa nais ng Gobernador na ang Cagayan ay maging isang “globally competitive economic hub”.

Kaugnay rito, ibinahagi naman ni Dr. Teodoro M. Gathalian, Undersecretary ng DOST ang mensahe ng kalihim ng kagawaran na si Secretary Renato Solidum at Undersecretary for Regional Affairs na si Sancho Mabborang na ngayon ay kapwa nasa bansang Japan.

Dito pinasalamatan ng mga kalihim ang mga partner sa academe, industry, local government, at private sector sa pagkamit ng mga anila’y tagumpay katulad ng mga negosyo ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

“Today we are not only celebrating the achievement and achieve to inspire more people into action for brighter future shaped by science technology and innovation but to highlight utmost importance of collaboration with the academe, industry, local government and private sector,” saad ni Usec. Gathalian.

Samantala, ang RSTIW 2023 ay may temang “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan” na gaganapin simula Nobyembre 14-16, 2023.

Ilan pa sa mga nakatakdang aktbidad ay ang forum sa “Simplifying Understanding of DRRM Information exchange (SUDI); Graduate Scholars Exit Conference, Touch Excellence & Fellowship Night; SET IT UP forum and awarding; Textile Technology forum; KatHABI: Textile Innovation Fashion Show at S&T Jingle”.

Pinangunahan naman ni Regional Director Dr. Virginia G. Bilgera at dinaluhan din ng iba’t ibang DOST Regional Director at Assistant Director mula sa ibang rehiyon, mga opisiyal sa Cagayan, scholars, at exhibitors ang nasabing aktibidad.###