Muling kinilala ang galing at husay ng mga manlilikhang Cagayano sa larangan ng sining at literatura sa 6th Cagayan Art and Creative Writing Awards (CACWA) sa isang awarding ceremony na naganap sa Cagayan Museum and Historical Research Center, Tuguegarao City ngayong Hulyo 1, 2024.

Ang awarding ceremony ay ang culminating activity ng halos isang buwang pagdiriwang ng 441st Aggao Nac Cagayan na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa liderato ni Governor Manuel Mamba at sa ilalim ng kumpas ng Steering Committee Chairperson ng Aggao Nac Cagayan 2024 na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang Unang Ginang ng lalawigan.

Pinangunahan ng ama ng lalawigan at Unang Ginang ang seremonya sa pagbibigay parangal sa mga nanalo ngayong taon sa CACWA. Pinangunahan din ito ni Niño Kevin Baclig, ang Cagayan Museum Curator; at Rogelio P. Sending, Jr., Cagayan Information Officer, ar mga punong-abala ng CACWA Secretariat. Dinaluhan din ito ng department heads ng Kapitolyo, mga bisita mula sa National Museum of the Philippines-Cagayan Valley, Cagayan Heritage Conservation Society, North Luzon Cinema Guild, Cagayano Artists Group, Inc. Artes Claverianos, Tuguegarao City Council for Culture and the Arts, Ateneo de Manila University, awardees at pamilya nila, maging ang mga coach ng mga ito, at iba pang mga panauhin.

Layon ng CACWA na linangin ang talento at husay ng mga Cagayano sa larangan ng sining at pagsusulat. Dalawang kompetisyon ang tampok sa CACWA taon-taon. Ito ay ang Art Competition at ang Short Story Writing Competition.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Atty. Villarica-Mamba na simula nang maupo si Governor Manuel Mamba bilang ama ng lalawigan, naging adhikain niya na buhayin ang bawat gusali at imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kasama dito ang Panlalawigang Museo. Aniya, tulad ng Cagayan Museum ay iba’t ibang imprastraktura ang ipinagmamalaki ng PGC.

Samantala, bahagi rin ng mga adhikain ng ama ng lalawigan aniya ay ang pagpapalago ng sining ng Cagayano at ang patuloy na pangangalaga sa yamang kultural nito. Kasama rito ang pagsuporta sa mga lokal na manlilikhang Cagayano sa larangan ng sining at literatura. Maging ang pagmamahal, paglalago, at pangangalaga sa lokal na lengguwahe ng mga Cagayano tulad ng Itawit, Ibanag, Malaueg, at Iloko ay bahagi ng proyekto na nakatuon sa cultural heritage preservation.

“Thank you sa inyong lahat. Please continue to support Cagayan Art and Creative Writing Awards. This is not only for Cagayan. This is for the future of Cagayan and the heritage and culture of Cagayan,” pagtatapos ni Atty. Villarica-Mamba.

Pinasalamatan naman ni Baclig ang Gobernador na siyang patuloy na sumusuporta sa mga programang nagpapalago sa kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Cagayan.

“The vibrancy of local art and culture scene in Cagayan is grounded in the vision of our Governor. Cagayan is overflowing with artists . We thank the Governor for giving our artists a home. It takes a visionary leader to bring out the best. We thank you Governor, our champion, ally, and patron of the culture and the arts-Governor Mamba,” sambit ni Baclig.

Nagtanghal naman ang Grupo Arpa Lasam at Lasam Salinlahi Dance Troupe ng Nabbanagan mula sa bayan ng Lasam at ang Don Severino High School sa bayan ng Penablanca.

Ngayong taon, may 72 entries na naisumite ng Cagayano artists mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan para sa Art Competition.

Ang napiling semi-finalists sa Visual Arts ay sina Mario Uy mula sa Tuao (Our Lady of Piat), Hallie Jade Acabo mula sa Tuguegarao City (Nakalayo Na, Pero Malayo Pa), Hazel Gadia mula sa Amulung (Silent Sentinel: Honoring the Diligence of Farmers), Roel Ancheta mula sa Baggao (Pasanin), Joel Maribbay mula sa Tuguegarao City (Nappo nga Lappo), Dennis Fortozo mula sa Lal-lo (Numbers of Hope), Fernando Urata mula sa Tuguegarao City (Kofun), Faith Erika Tubera mula sa Claveria (Broken Vessel), Loyd Ian Calumpit mula sa Claveria (Dreams in Sack), at Zilcas Tiffany Vasche Salmon mula sa Claveria (Grief by the Edge). Nag-uwi ng certificate at tig-P2,500 ang bawat semi-finalist.

Mula sa semi-finalists, narito ang napili ng mga hurado para sa five equal winners ng art competition: Mario Uy, Dennis Fortozo, Fernando Urata, Faith Erika Tubera, at Lloyd Ian Calumpit. Sila ay nanalo ng tig-P20,000 at nag-uwi ng plake.

Nagwagi rin ng consolation prizes sina: Ramon Zaldy Macarubbo mula sa Tuguegarao City (Forced Inculpation: Needs-Driven), Lucio Taguiam mula sa Tuguegarao City (Huyong), Rolando Cutaran mula sa Sta. Ana (Pamana), Dianna Rose Sambrana mula sa Gonzaga (Pagsibol: The Visage of Resilience), at Harvey Gonzales mula sa Pamplona (Sundance: Ancient Dreams in a Modern Land). Nabigyan naman ng sila ng tig-P1,500.

Ang mga naging hurado ng art competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng sining. Ito ay kinabibilangan nina Dannie R. Alvarez, Peter John Natividad, at Patrick D. Flores.

Samantala, narito naman ang mga nanalo sa Short Story Writing Competition sa iba’t ibang kategorya:

Junior High School Category: 1st Place- Daphne Haddasha D. Torino ng Shining Light Academy, Sanchez Mira (The People’s Synergy), 2nd Place- Ayessa Mielle D. Maneclang ng Tuguegarao City Science High School (Kapit sa Bagong Siglo); at 3rd Place- Rolaine Gonzales ng Capatan Integrated School, Tuguegarao City (Palay Aming Aanihin).

Senior High School Category: 1st Place- Vdel Mica Jane B. Estanol ng Shining Light Academy, Sanchez Mira (Sierra), 2nd Place- Lujelle B. Mangaoang ng Vicente Trinidad National High School, Iguig (The Legend of Buntun Bridge), at 3rd Place- Myrk Xuan Agbayani ng Ballesteros National High School (The Legend of Pagguruffunan).

College Category: 1st Place- Shaniah Mariel D. Maguddayao ng Cagayan State University-Carig (Si Yugto and Bagong Super Inggo), 2nd Place- Florimae Dominique P. Tuliao ng Cagayan State University-Carig (Dalum Danum), at 3rd Place- Johnllyod A. Mabbun ng University of St. Louis Tuguegarao (Facing the 137th).

Adults Category: 1st Place- Cathyrine B. Addatu mula sa Sta. Ana (Running Light) at Mary Margarette B. Marvas mula din sa Sta. Ana (Alon ng Pagkakaisa), 2nd Place- Kristine Ann B. Taguba mula sa Tuguegarao City (The Mermaid Who Couldn’t Swim) at si Germaine Ethan Orden mula sa Baggao (Magkano ang Pangarap), at 3rd Place- Alfa Kleramie B. Gatchalian (Bayanihan Para Kay Ma’am).

Nag-uwi ang 1st Placers sa lahat ng katergorya ng tig-P10,000. Ang lahat ng 2nd Placers ay nag-uwi ng tig-P7,000; at ang 3rd Placers ay may tig-P5,000 na premyo. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan din ng plake.

Ang mga naging hurado ng short story writing competition ay mga kilalang indibidwal sa larangan ng Philippine literature. Ito ay kinabibilangan nina Beverly Wico Siy, Prof. Will Ortiz, Prof. Junley Lazaga, Prof. Elyrah Loyala Torralba-Salanga, at Prof. Jose Monfred Sy.