Mayroong 638 delegado mula sa lungsod ng Tuguegarao ang lalaban para sa nasabing palaro. Binubuo ito ng 344 na atleta mula sa secondary division, 248 sa elementary division, at 46 na coaches at trainors.

Ang mga mag-aaral na sasabak ay sumailalim sa ilang linggong pagsasanay para sa kani-kanilang larong sasalihan.

Gaganapin ang CAVRAA meet sa Provincial Sports Complex, lungsod ng Ilagan, Isabela mula ika-26 hanggang ika-30 ng Abril taong pangkasalukuyan.